Mga aktibista nag-rally kontra US, China sa Araw ng Kalayaan

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2018 03:17 PM | Updated as of Jun 12 2018 08:52 PM

MANILA - (UPDATED) Nagmartsa ang ilang militanteng grupo patungo sa embahada ng Estados Unidos sa Maynila Martes ng tanghali kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Kahit maulan, itinuloy ng mga aktibista ang kanilang protestang bahagi ng #HindipendenceDay pero sa UN Avenue pa lang ay napigil na sila ng mga pulis na naka-full battle gear. 

Itinuloy ng grupong Anakbayan, Kabataan Party-list, Kilusang Mayo Uno, at Anakpawis ang programa sa Roxas Boulevard para ipanawagang paalisin na sa bansa ang mga puwersang Amerikano.

Watch more in iWant or iWantTFC

May mga aktibista ring sumugod sa Chinese Consulate sa Makati para ipanawagan ang pag-alis ng mga tropang Tsina sa bahagi ng South China Sea na sakop ng Pilipinas. 

Binanatan din nila si Pangulong Rodrigo Duterte na umano'y naging sunod-sunuran na lamang sa mga interes ng dayuhan, partikular ng US at Tsina.--Ulat nina Doris Bigornia at Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.