LRT-2 muling nagka-aberya sa ika-2 sunod na araw

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2018 01:03 PM

MANILA - Panandaliang nilimitahan ang biyahe ng LRT-2 ngayong Martes matapos muling magka-aberya sa pangalawang sunod na araw.

Paliwanag ng pamunuan ng railway, nagkaroon ng problema ang isang bagon sa Anonas station, pero naibalik din sa normal ang operasyon ng buong linya matapos lamang ang ilang minuto.

Nitong Lunes ng umaga, nagpatupad din ng provisional service ang LRT-2 nang nasa 30 minuto matapos magkaroon ng problema ang suplay ng kuryente, sabi ni LRT Authority spokesperson Hernando Cabrera.

May alok namang libreng sakay ang MRT3, LRT-1 at 2 mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi ngayong Araw ng Kalayaan.

Libre rin ang southbound na biyahe ng Philippine National Railways mula Tutuban papuntang Alabang ngayong 6:07 p.m., gayundin ang 6:37 p.m. na biyahe mula Tutuban pa-Calamba.

Sa northbound, libre ang Alabang papuntang Tutuban sa 6 p.m. at 6:30 p.m. na biyahe.


May ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.