Higit P500,000 halaga ng droga, nasabat sa Pasig

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2018 06:40 AM

MAYNILA - Nakumpiska ng mga awtoridad ang higit kalahating milyong pisong halaga ng droga sa buy-bust operation sa Barangay Palatiw, Pasig City.

Nahuli rin ang isang lalaki at isang babae na umano'y may-ari ng nasa 50 gramo ng hinihinalang shabu.

Isinagawa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang buy-bust laban sa 2 matapos mapag-alamang bumalik ito sa pagtutulak.

Dati nang nakulong ang mga suspek sa parehong kaso. Itinuturing sila ng pulisya na high-value targets.

Pinabulaanan naman ng mga nahuli na sa kanila ang mga droga.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.