700 pasahero pinababa sa MRT dahil sa aberya

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2018 07:42 PM

MAYNILA - Pinababa ang halos 700 pasahero ng MRT nitong Martes ng hapon matapos magkaproblema ang tren.

Binaba ang mga pasahero sa northbound na bahagi ng Guadalupe station matapos magkaproblema ang pinto ng tren alas-5:28 ng hapon.

Ayon sa pamunuan ng MRT, posibleng nasandalan o pinilit buksan ang pintuan ng tren kaya nagkaroon ng aberya.

Muli namang nakasakay ang mga pasahero sa sumunod na tren matapos ang walong minuto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.