ALAMIN: Mga isasarang kalsada ngayong weekend, Hunyo 11-14

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2021 04:56 PM

MAYNILA— Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes na magkakaroon ng pagkukumpuni ang Department of Public Works and Highways sa iba't ibang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend. 

Magsisimula ang road re-blocking at repairs ngayong Biyernes, 11 p.m. hanggang Lunes 5 a.m.

Narito ang mga kalsadang kukumpunihin:

  • EDSA Nortbound sa EDSA malapit sa Kaingin Road, Quezon City 
  • Bahagi ng EDSA sa Caloocan City 
  • C5 Road lagpas ng Rosa Alvero, 5th lane mula sidewalk bago ang P. Tuazon (3rd lane mula sidewalk) 
  • C5 Road bago Rajah Matanda (3rd lane mula sidewalk) 

Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabangiit na kalsada at dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.