Lalaking nagpuputol ng sanga, patay matapos makuryente

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2021 06:10 PM

Agad na nasawi si Wilfredo Nawas matapos makuryente sa Dipolog City.

Hindi na umabot ng pagamutan ang isang 42-anyos na lalaki matapos na makuryente habang nagpuputol umano ng sanga, Miyerkoles sa Dipolog City. 

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente habang naglilinis si Wilfredo Nawas sa paligid ng pribadong paaralang pinagtatrabahuhan.

“Habang nagsagawa ng clearing operations itong si Nawas, ‘yong pinutol niyang kawayan tumama doon sa mainline ng ZANECO,” ayon kay Police Cpl. Rahjick Necesario.

Tuluyan umanong nakuryente si Nawas at agad binawian ng buhay.

Dati na umanong ginagawa ng biktima ang pagpuputol ng mga sanga ng kahoy sa paligid kaya’t hindi inasahan ng pamunuan ng paaralan ang insidente.

Payo ng mga awtoridad na iwasan ang magputol ng mga sanga ng puno na nasa bahagi ng mga kawad ng kuryente para maiwasang makuryente.

- Ulat ni Dynah Diestro 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.