PatrolPH

Taguig LGU mamimigay ng bisikleta sa mga health frontliner

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2020 03:40 PM

MAYNILA – Mamimigay ng mga brand-new na bisikleta ang pamahalaang lungsod ng Taguig sa mga health worker ngayong limitado ang pampubikong transportasyon habang umiiral ang COVID-19 community quarantine measures.

 

Ayon sa public information office ng Taguig, ipadadala ang mga bisikleta sa lahat ng health center sa lungsod para magamit ng mga frontliner sa pagbiyahe papasok sa trabaho.

"The local government will distribute said bikes to all health centers around the city, which aims to alleviate the struggle of transportation inadequacy due to the guidelines under GCQ. With this sustainable method of transportation, healthcare workers will experience ease while traveling between work and home," anila sa pahayag. 

Magagamit din ang mga bisikleta sa pagdedeliver ng mga gamot sa mga residente ng Taguig. 

Bukod sa bike, may ilalagay na bike racks sa mga health center para mas madaling makaparada. 

Batid umano ng Taguig LGU ang kahalagahan ng bisikleta bilang essential mode of transportation ngayong panahon ng COVID-19.

-- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.