Sitio Kaingin Bukid sa QC, isasailalim sa 'special concern lockdown'

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2020 05:54 AM | Updated as of Jun 11 2020 06:10 AM

Watch more in iWantTFC

Isasailalim sa dalawang linggong special concern lockdown ang Sitio Kaingin Bukid sa Barangay Apolonio Samson sa Quezon City simula ngayong Huwebes.

Ito'y matapos ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga may coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lugar.

Sa ngayon, nasa 26 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa naturang barangay at mayroon ding 6 na suspect cases at isang probable case.

Sa ilalim nito, sarado lahat ng tindahan sa nasabing sitio, bawal mangalakal, bawal magkumpulan at magpulong.

Nangako naman ang lokal na pamahalaan ng Quezon City na magbibigay sila ng tulong sa mga apektadong residente.

Nasa 1,600 pamilya ang residente sa lugar.

Magsasagawa rin ng intensified testing at monitoring sa mga residente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.