'Pantawid ng Pag-ibig': Libo-libong pamilya sa Pasay hinatiran ng tulong

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2020 07:33 PM | Updated as of Jun 11 2020 09:27 PM

Higit 2,000 pamilya sa isang barangay sa Pasay ang hinatiran ng tulong ng Pantawid ng Pag-ibig campaign. ABS-CBN News

Hanggang gate lang ng kanilang inuupahang dormitoryo puwedeng manatili ang grupo ng mga security guard sa Barangay 185, Pasay City.

Nang puntahan sila ng ABS-CBN, halos isang buwan na silang naka-home quarantine kasama ang may-ari ng inuupahang bahay dahil isa sa kanilang kasamahan ang nag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19).

"Mahirap. Unang-una po sa lahat, pamilyado po kami. Ako lang po inaasahan ng pamilya ko eh. Mahirap po iyong naudlot na trabaho," ani Richard Moises, isa sa mga guwardiyang nakatira sa dorm.

Nakarekober na ang kanilang kasamahan habang negatibo ang resulta ng virus test nina Moises.

Hinihintay na lang umano nila ang opisyal na medical certificate para makalabas at makapagtrabaho na ulit.

Pinaalalahanan lang ng punong-barangay ng 185 na kailangan nang magbawas ng bedspacer ang may-ari ng dorm para magkaroon ng physical distancing.

Todo-ingat naman ang teacher na si Mary Grace Ocasyon, na kapitbahay ng dorm ng mga security guard.

Kasama niya kasi ang inang senior citizen at stroke patient kaya hindi sila basta-basta nagpapapasok sa kanilang bahay. Naglagay din sila ng basahang may bleach sa pintuan.

"Magdadasal ka everyday na protektahan kayo, iyon ang magiging sandigan mo lalo na at mahirap iyong nangyari sa atin," ani Ocasyon.

Dagdag-alalahanin din kay Ocasyon ang paghahanda sa mga record at enrollment ng mga estudyante, lalo at wala siyang maayos na internet connection sa bahay.

Kahit general community quarantine na, mahigpit pa rin ang pagpapatupad ng mga alituntunin sa Barangay 185 dahil napapalibutan sila ng mga barangay na mataas ang kaso ng COVID-19.

Para maitawid ang pang-araw-araw na pagkain ng mga nasa barangay, naghatid ang Pantawid ng Pag-ibig ng mga food pack para sa higit 2,000 pamilya sa komunidad.

Kasama doon ang nalikom mula sa mga donasyon mula sa online musical na "Ang Huling El Bimbo" na inorganisa ng ABS-CBN Foundation.

"Ako po’y sobra-sobrang nagpapasalamat," ani Ruel Ramos, chairperson ng Barangay 185.

Nais namang pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na supply sponsor na lumahok sa Pantawid ng Pag-ibig campaign:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.