PatrolPH

Healing Rosary for the World mass vs COVID-19 ginawa sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2020 11:06 AM

Watch more on iWantTFC

ILOILO - Isinagawa sa lungsod na ito ang Healing Rosary for the World kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) para ipanalangin ang mga pasyente at frontliner sa gitna ng pandemya. 

Sa Jaro Metropolitan Cathedral kung saan matatagpuan din ang Shrine ng Our Lady of Candles ginanap ang Healing Rosary for the World, na pinangunahan ni Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo. 

Kasama sa panalangin ang mga frontliners gaya ng mga medical practitioners at hospital staff, security forces, mga nagtatrabaho sa supermarket, media, mga lider ng simbahan at gobyerno. 

Kasama din sa ipinalanganin ang mga pasyente ng COVID-19 at namatay dahil sa sakit hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. 

Dasal ng Arsobispo na magsisilbing liwanag ang Our Lady of Candle para sa proteksyunan ng sanlibutan. 

Dasal din ng arsobispo na magsilbing modelo ang pagiging matatag ng Our Lady of Candle sa gitna ng mga pagsubok. 

-- Ulat ni Jennifer Garcia Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.