2 Chinese na sangkot sa kidnapping patay sa engkuwentro sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2020 11:14 AM | Updated as of Jun 11 2020 08:23 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Patay ang 2 Chinese nationals na sangkot sa pagdakip sa mga kapwa-Chinese matapos makipag-engkuwentro sa mga awtoridad sa Angeles City, umaga ng Huwebes. 

Ayon kay Police Lt. Col. Villaflor Bannawagan, hepe ng PNP Anti-Kidnapping Group ng Central Luzon nahuli ang mga suspek sa bisa ng continuing operation sa mga na-rescue sa naunang operasyon sa Pasay City. 

Unang na-rescue ang tatlong Chinese at naaresto ang ilang suspek noong Hunyo 6 sa Pasay City. Dito ikinanta ng mga biktima ang kinaroroonan ng dalawang nabaril na suspek. 

Kalaunan, ikinasa ang follow-up operation kung saan nabuko ng mga awtoridad ang 2 Chinese nationals sa Forest Park sa Angeles City, kung saan nangyari ang engkuwentro. 

Ang mga biktima ay nagtatrabaho sa POGO at mga sindikatong Chinese ang dumadakip ng mga kapwa-Chinese oras na hindi sila magbayad ng kanilang utang, ayon sa mga awtoridad. 


-- Ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.