2,000 trabaho sa turismo alok ng Croatia

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2019 08:27 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nangangailangan ng 2,000 manggagawa sa industriya ng turismo ang bansang Croatia, ayon sa Philippine Association of Service Exporters Inc. (PASEI).

Kasama sa mga bakanteng trabaho ang pagiging waiter, room attendant, massage therapist, gardener, cook, at kitchen helper, ayon sa PASEI.

Nasa €700 o higit P40,000 umano ang basic salary.

"Being part of the European bloc, the safety nets are there, talagang protektado ang mga tao natin," ani PASEI President Elsa Villa.

Bukod sa Croatia, malaki rin ang nakikitang oportunidad ng PASEI sa iba pang mga bansa sa Europa na Hungary, Slovenia, Montenegro, at Austria.

Pero kulang ang mga labor office ng Pilipinas sa Europa kaya hiniling din ng PASEI na dagdagan ito at bilisan ang mga bilateral labor agreement.

"This is a golden opportunity na mabigyan natin ng magagandang trabaho sa lugar na hindi magiging problematic para sa ating gobyerno," ani Villa.

Binalaan din ni Villa ang mga aplikante laban sa mga illegal recruiter na sumasakay sa mga naririnig na oportunidad sa Europa at gumagamit lang ng pangalan ng mga lisensiyadong ahensiya.

Para makatiyak, tumawag sa Philippine Overseas Employment Administration para malaman kung totoong may job order ang mga trabahong iniaalok ng isang recruitment agency.

--Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.