1 patay sa salpukan ng motorsiklo at multicab

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2019 07:10 PM

Sa lakas ng pagkakabangga ay lumusot pa ang driver ng motorsiklo sa sinalubong nitong multicab. Larawan mula kay Jee Ar Adejac

TACLOBAN CITY – Isa ang patay sa banggaan ng motorsiklo at multicab sa national road sa Barangay Cabalawan nitong Lunes ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Mateo Versoza, pasahero ng multicab. Sugatan din ang driver ng motorsiklo. 

Ayon sa traffic section ng Tacloban City Police Office, papuntang Barangay Suhi ang multicab habang kasalubong naman nito ang motorsiklo.

Napunta sa linya ng multicab ang motorsiklo na siyang dahilan ng aksidente.

Sa lakas ng impact, lumusot pa sa windshield ng multicab ang driver ng motorsiklo.

Napag-alaman din na walang headlight ang motorsiklo at wala ring lisensiya ang driver nito.

Hawak na pulisya ang driver ng multicab habang patuloy pa ring ginagamot sa ospital ang driver ng motorsiklo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.