'Lasing' nagulungan ng bus sa Commonwealth

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2018 08:13 AM

MANILA - Patay ang isang lalaking hinihinalang lasing matapos magulungan ng bus sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, Lunes.

Kuwento ng testigo, nag-aabang ng jeep ang pagewang-gewang at maingay na lalaki pero iniiwasan siya ng mga driver dahil halata sa kilos nito na nakainom siya.

Maya-maya pa, gumitna ang lalaki sa southbound lane ng kalsada kaya nabangga ng isang jeep.

Tumilapon ang biktima at pumailalim sa humaharurot na pampasaherong bus.
 
Tumakas ang driver ng bus habang hawak na ng mga awtoridad ang driver ng jeepney.

Wala pang pagkakakilanlan ang biktima.

Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.