Drug suspect, patay sa QC apartelle buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2018 06:15 PM

Patay ang isang lalaki matapos mauwi sa barilan ang buy-bust operation na ikinasa laban sa kaniya ng Quezon City police sa isang apartelle sa Barangay Kaunlaran nitong madaling araw ng Lunes.

Bandang alas-tres ng madaling araw nang makipagkita ang suspek na si Darwin Cunanan sa undercover police na bumili sa kaniya ng P500 halaga ng shabu, batay sa police report.

Nang magpakilala ang pulis para arestuhin si Cunanan, agad naglabas ang suspek ng baril at pinaputukan ang pulis kaya nauwi sa engkuwentro, ayon sa report.

Wala namang tinamong injury ang naturang police dahil nakaiwas ito sa pagbaril ni Cunanan.

Isinugod ang suspek sa Quezon Memorial Medical Center pero binawian din ng buhay ilang minuto bago mag-alas-singko ng madaling araw.

Nakuha mula sa suspek ang caliber .45 pistol, pitong sachet ng shabu, at ang perang ginamit sa operasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.