Abandonadong bag nagdulot ng pangamba sa ilalim ng MRT Ayala Station

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2018 11:46 AM

MAYNILA - Nagdulot ng pangamba sa ilang mga commuter ang isang abandonadong bag sa ilalim ng MRT Ayala Station, Lunes ng umaga.

Agad namang rumesponde ang mga explosive ordnance disposal unit sa lugar nang maipaabot sa kanila ang ulat.

Negatibo naman ang bag sa bomba nang suriin ng mga awtoridad. Mga personal na gamit lang ang nakita sa loob nito.

--ulat mula kay Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.