Pawikan, patay matapos makawit ang palikpik sa Cagayan de Oro

Maricel Butardo, ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2017 11:56 AM

Isang patay na pawikan ang pinaniniwalaang nakawit ng nylon sa isa nitong palikpik sa Cagayan de Oro nitong Linggo.

CAGAYAN DE ORO - Isang pawikan ang natagpuang patay sa Macajalar Bay, Barangay Bayabas dito, Linggo ng umaga.

Ayon kay Alfredo Vargas, isang mangingisda, natagpuan niyang palutang-lutang ang pawikan habang nangingisda at hinila niya ito papunta sa pampang.

Natagpuang may iba't ibang sugat sa katawan ang pawikan at pinaniniwalaang nakawit ito ng nylon sa isa nitong palikpik.

Isang pawikan din ang natagpuang sugatan ang palikpik sa Puerto Princesa nitong Miyerkules.

Ayon kay Barangay chairman Eddie Abrogar, hindi ito ang unang beses na may namataang pawikan sa kanilang lugar dahil isa ito sa mga nesting place sa siyudad.

Iimbestigahan ng City Agriculture Office ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.