Drug suspect patay nang manlaban umano sa pulis sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2017 09:39 AM

MAYNILA -- Patay ang isang hinihinalang drug user matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa isang checkpoint sa Caloocan City, Linggo ng umaga.

Ayon sa pulisya, sinita nila sa checkpoint sa Bagumbong ang di pa nakikilalang lalaki. Pero imbes na tumigil, humarurot ito palayo.

Nagpahabol pa umano sa mga pulis at nakipagbakbakan pa bago ito naabutan sa bahagi ng Golden Valley College.

"Finlag down nila [kasi] walang plate number. Imbes na huminto humarurot, nakipaghabulan... nakipagbarilan," ayon kay Inspector Ronald Cayago, hepe ng Caloocan North police station.

Nagtamo ng dalawang tama ng baril sa katawan ang suspek at narekober din sa kanya ang ilang sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at isang kalibre .38. -- Ulat ni Angel Movido at Micheal Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.