Dalawang sasakyan, nagliyab sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2017 08:19 PM

Isang jeep at isang van ang nasunog sa Visayas Avenue, Quezon City nitong Linggo.

Isang jeep at isang van ang nasunog sa Visayas Avenue, Quezon City, Linggo ng tanghali.

Ayon kay Quezon City Fire District Investigator FO3 Mark Trajeras, nakatanggap sila ng isang tawag pasado alas dose ng tanghali na may nasusunog na dalawang sasakyan sa Visayas Avenue.

Agad naman silang rumesponde at matapos ang walong minuto ay naapula ang apoy.

Kwento ng jeepney driver na si Jake dela Peña, nasa maayos na kondisyon naman daw ang kanyang jeep at ipinarada niya lang ito saglit dahil siya'y kakain. 

Laking gulat niya raw nang makitang nagliliyab na ang sasakyan kasama ang katabi nitong van na nakaparada din.

Tumangging magbigay ng pahayag ang may-ari ng van.

Hindi pa alam kung sa aling sasakyan nagsimula ang apoy. 

Kasalukuyang iniimbestigahan ng QC Bureau of Fire Protection ang dahilan ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.