Bahay sa Tondo tinupok ng apoy

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2017 09:24 AM

Tinupok ng apoy ang bahay ng pamilya Ilagan sa Tondo.Ron Lopez, ABS-CBN News

MAYNILA - Natupok ng apoy ang isang dalawang palapag na bahay sa Brgy 149, Tondo Sabado bandang alas-8 ng gabi.

Mabilis na lumaki ang sunog na umabot ng ikalawang alarma pero hindi na kumalat pa ang apoy dahil sa mabilis na responde.

Tinupok ng apoy ang bahay ng pamilya Ilagan sa Tondo.Ron Lopez, ABS-CBN News

Sa kabila nito, karamihan sa mga gamit sa loob ng bahay ay nasunog dahil gawa ang ilang bahagi nito sa lumang kahoy.

Bukod pa rito, may firewall din ang mga katabing estruktura ng natupok na bahay na pag-aari ng pamilya Ilagan.

Tinupok ng apoy ang bahay ng pamilya Ilagan sa Tondo.Ron Lopez, ABS-CBN News

Kuwento ng kapitbahay na si Regie Ferrer, may narinig silang mga putok at inakalang may nabaril pero mitsa na pala ito ng sunog.

Sinasabing sa ikalawang palapag ng bahay nagsimula ang sunog na posibleng dulot ng pagsiklab ng kawad ng kuryente.

Tinupok ng apoy ang bahay ng pamilya Ilagan sa Tondo.Ron Lopez, ABS-CBN News

Wala namang residenteng nasaktan sa sunog pero patay ang alagang aso at pusa ng pamilya matapos maipit at ma-suffocate.

Hindi pa malaman ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga natupok na gamit. -- Ulat nina April Rafales at Ron Lopez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.