PatrolPH

Chop-chop na katawan ng babae nakita sa Antipolo City

Champ de Lunas, ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2023 07:45 AM

Watch more News on iWantTFC

Natagpuan ang ilang bahagi ng katawan ng isang babae sa Antipolo City nitong Biyernes.

Nakita ang mga ito bandang tanghali sa Barangay Dela Paz, NHA road. Bago mag-alas 6 ng gabi, nakita naman ang malaking bahagi sa Barangay Boso Boso.

Nasa 10 kilometro ang pagitan kung saan natagpuan ang mga bahagi ng katawan na nakalagay sa mga itim na plastic bag.

Ayon kay Police Lt. Col. June Abrazado, hepe ng Antipolo City Police, nabubulok na ang mga bahagi ng katawan nang matagpuan nila.

“Yung katawan po ay ni-request po namin ito sa SOCO, kinuha na po yung katawan for autopsy.... Kapag natapos na po yung SOCO sa kanya, tsaka pa lang po i-declare na pwede na i-claim ng family,” sabi niya.

Ayon sa PNP, may nagsabi nang kaanak nila ang natagpuang chop-chop na katawan ng babae.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis para matukoy ang salarin.

Ani Abrazado, kailangan pa nilang mag-backtrack nang tatlong araw at susuriin nila ang mga kuha ng CCTV sa lugar para mas mabigyang linaw at maresolba ang krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.