PatrolPH

P50 umento sa arawang sahod sa Eastern Visayas aprubado na ng wage board

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2022 07:20 PM

Aprubado na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB ang P50 umento sa arawang sahod ng mga manggagawa sa Eastern Visayas, na ipatutupad sa dalawang tranches.

Dalawampu't limang piso ang dagdag sa sahod sa unang tranche matapos ang effectivity nito, o 15 araw matapos ang publication nito sa dyaryo na may general circulation, at karagdagang P25 sa pangalawang tranche nito pagsapit ng Enero 2, 2023.

Ibig sabihin, mula sa P325, magiging P375 na ang minimum wage sa Eastern Visayas.

Ang umento sa sahod para sa non-agriculture workers ay inaprubahan nitong Hunyo 6.

Sa ilalim ng Wage Order Number RBVIII-DW-03, ang mga kasambahay sa Eastern Visayas ay magkakaroon din ng P500 umento sa sahod. 

Ibig sabihin mula sa P4,500 magiging P5,000 na ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa chartered cities at first class municipalities, habang P4,000 hanggang PhP4,500 naman para sa mga nasa ibang munisipyo.

—ulat ni Sharon Evite

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.