PatrolPH

Our Lady of Fatima Church sa Naga City nilooban

Jonathan Vega Magistrado, ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2022 10:28 AM

Our Lady of Fatima Church sa Naga City nilooban

Nilooban ng di pa nakikilalang suspek ang Our Lady of Fatima Church sa Barangay Tabuco, Naga City nitong Huwebes. 

Natangay sa tinatawag na 'Chinese chapel' sa Riencemiento Street ang isang desktop computer na nasa P20,000 ang halaga.

Madaling araw ng Huwebes nangyari ang pagnanakaw pero hapon na ito naireport ng 39-anyos na resident chaplain sa Naga City Police Office-Police Station 5.

Ayon sa pulisya, naisagawa ng suspek ang pagnanakaw sa pamamagitan ng pag-akyat sa bakod ng simbahan, at pagsira sa bintana ng opisina ng biktimang pari.

Nangangalap ngayon ng mga CCTV footage sa lugar ang Theft and Robbery Unit ng NCPO-PS5 para matukoy at mahuli ang salarin.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.