MAYNILA — Hinimok ng isang mambabatas sa Kamara si Sen. Panfilo Lacson na pangalanan ang "Undersecretary" na umano'y operator ng troll farms sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Matatandaang sinabi ni Lacson na may impormasyon siyang isang Usec ang nagtatayo umano ng "tig-2 troll farms" sa kada probinsya ng bansa, ilang buwan bago ang halalan sa 2022.
Sabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate nitong Miyerkoles, nakaaalarma ito lalo't malaki ang tsansang gamitin ito para impluwensiyahan ang halalan.
"Hindi lang ito nakababahala, dapat imbestigahan ito at kung puwedeng mapangalanan ni Sen. Lacson dahil if he is an undersecretary, an official of the government and he is involved in this kind of activities, troll farms, that [will] certainly undermine the election process. So ito, ire-raise natin ito dahil talagang malaki ang maging impact nito," sabi ni Zarate.
Pero ayon sa mambabatas, hindi na niya ikinagulat ang balita lalo't noong 2016 ay naging bahagi ng disinformation campaign ang mga troll farm.
Giit ng kongresista, kakaiba ang halalan sa 2022 dahil sa pandemya at ang mga ganitong gawain ay magsisilbing mantsa sa proseso.
"Mag-aano ito ng cloud of doubt dun sa outcome of the election, 'no? Can you imagine a president elected by the trolls so we will have a troll president," ani Zarate.
KAUGNAY NA VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, TeleRadyo, balita, disinformation, misinformation, trolls, troll, troll farms, troll farm, Panfilo Lacson, undersecretary troll farm, Carlos Zarate, Senate, Kamara, halalan 2022, halalan2022, #halalan2022, elections, online troll, online troll farm