Lalaking nanghalay umano sa pinsang may kapansanan huli sa Las Piñas

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2021 04:05 PM

JUBAN, Sorsogon — Pagkatapos ng 7 taong pagtatago, nahuli na ng pulisya nitong Miyerkoles sa Las Piñas City ang isang laborer na inireklamo ng panghahalay ng pinsang may kapansanan.

Inihain ng pulisya sa suspek ang warrant of arrest para sa 2 counts of rape sa kasalukuyan nitong tirahan sa Brgy. Pulang Lupa sa nasabing lungsod.

Noong Oktubre 2014 umano nangyari ang panghahalay ng suspek sa ngayo'y 27 anyos nang biktima sa isang masukal na lugar sa Barangay Bacolod, Juban, Sorsogon.

Ayon sa 5 taong gulang na batang nakasaksi sa krimen, nangunguha sila ng bunga ng pili sa lugar nang bigla umanong sikmuraan at kaladkarin ng suspek ang biktima.

Lalong tumibay ang kaso laban sa suspek nang makumpirmang buntis ang biktima habang sumasailalim sa psychosocial intervention ng Department of Social Welfare and Development.

Agad ibiniyahe pabalik ng Sorsogon ang suspek na nakapiit na sa Juban municipal police station.

—Ulat ni Jonathan Magistrado

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.