PANOORIN: Ipu-ipo namataan sa pantalan sa Ilocos Sur

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2021 11:04 PM

Isang waterspout o ipu-ipo sa karagatan ang namataan sa Barangay Salomague sa bayan ng Cabugao, Ilocos Sus, Huwebes ng hapon. 

Sa video na kuha ng residente ng nasabing barangay na si John Paul Galacinao, makikita ang mala-puting usok na namuo sa karagatan bandang alas 4 ng hapon.

 

Ayon sa punong barangay ng Salomague na si John Rey dela Cruz, ang ipu-ipo ay namuo malapit sa kanilang pantalan.

Kwento ni Dela Cruz, bago makita ang ipu-ipo ay napansin ng ilan niyang kabaragay na may maitim na ulap sa lokasyon ng ipu-ipo na tumagal ng mga 15 minuto. 

Nang maglaho ang ipu-ipo, biglang umulan ng malakas na sinabayan ng pagkulog at pagkidlat. 

Wala namang naiulat na nasaktan o nasira sa nasabing insidente.

—Ulat ni Grace Alba

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.