Naaagnas na bangkay, natagpuan sa Davao Occidental

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2021 11:06 PM | Updated as of Jun 10 2021 11:40 PM

Natagpuan ng mga mangingisda ang naaagnas na bangkay ng isang lalaki sa dalampasigan ng Barangay Basiawan sa bayan ng Sta. Maria, Davao Occidental Miyerkoles ng hapon.

Narekober sa tulong ng Philippine Coast Guard personnel Sub-Station ang bangkay na hirap nang makilala dahil nasa state of decomposition na ito.

Ayon sa pulisya, kinilala ng mga kamag-anak ang bangkay na si Elino Carriado, 51, isang magsasaka.

Hinanap ng kanyang pamilya si Carriado noon pang Mayo 30 matapos nawala sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Napag-alamang nakipag-inuman ito sa bahay ng isang barangay official.

Pinilit pa nitong tinawid ang rumaragasang ilog at hindi na nakauwi.

Matatandaang binaha ang ilang bayan sa Davao Occidental noong araw na iyon dahil sa malakas na pag-ulan.

- ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.