Ilang parte ng Davao City binaha dahil sa pag-ulan

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2021 11:23 AM

Kuha ng Team Davao Rescue

DAVAO CITY - Umabot hanggang bewang ang pagbaha sa ilang bahagi ng Davao City Miyerkoles ng gabi dahil sa malakas na pag-ulan.

Hindi madaanan ng mga sasakyan ang national highway sa Laverna Hills dahil sa taas ng tubig-baha.

Isang pamilya na na-trap sa baha naman ang na-rescue sa Guillermo St. Phase 3, Laverna Hills. Nasagip din ng Central 911 at mga rescue volunteer ang 3 pamilya mula sa baha.

Watch more in iWantTFC

Nakaranas ng matinding pag-ulan ang lungsod dahil sa monsoon trough na nakaapekto sa bansa. 

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantTFC

- Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.