DSWD office sa Albay ninakawan ng P1 milyong halaga ng cash aid

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2021 06:07 PM

Opisina ng DSWD sa Rawis, Legazpi City. Kuha ng DSWD Bicol

Nasa P1 milyong pondo ang ninakaw mula sa isang opisina ng Department of Social Welfare and Development sa Rawis, Legazpi City sa Albay.

Kinumpirma ito ni DSWD Bicol assistant regional director for administration Michael Bellena nitong Huwebes.

Martes ng hapon umano nang madiskubre ng isa sa kanilang mga empleyado ang kulang na P1 milyon sa vault na inilaan para sa kanilang mga kliyenteng humihingi ng financial assistance.

Hindi pa makapagpalabas ng detalyadong impormasyon ang ahensiya at patuloy pa ang imbestigasyon sa pangyayari. 

—Ulat ni Karren Canon

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.