PatrolPH

Direktiba sa mga pulis na sundin ang social media protocols, suportado ng CHR

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2020 11:49 PM

MAYNILA - Ikinatuwa ng Commission on Human Rights ang naging babala ni Philippine National Police Chief Gen. Archie Gamboa sa mga pulis na sundin ang mga ipinapatupad na social media protocols o maharap sa kasong kriminal o administratibo.

Kasunod ito ng pag-post sa Facebook ng Caraga Regional Police Office ng larawan ni BAYAN Secretary General Renato Reyes na nilagyan ng sungay. 

Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline de Guia, dapat panatilihin ng mga law enforcers ang mataas na antas ng propesyonalismo sa pagganap ng kanilang mandato.

Dapat lamang din umanong gamitin ang mga opisyal na communication platforms tulad ng ocial media accounts sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon lalo na ngayong panahon ng krisis.

Umaasa ang CHR na kasunod ng utos ni Gamboa, maiiwasan na ang mga kahalintulad na pangyayarari upang wala nang makompromisong karapatang pantao.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.