PatrolPH

Bata nalunod sa Laguna resort na tumanggap ng bisita kahit general quarantine

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2020 04:28 PM | Updated as of Jun 10 2020 07:55 PM

Ipinasara ngayong Miyerkoles ng lokal na pamahalaan ng Calamba, Laguna ang isang resort sa lungsod matapos tumanggap ng bisita kahit umiiral ang general community quarantine at malunod ang isang bata.

Ayon kay Jeff Rodriguez, head ng public order and safety office ng lokal na pamahalaan, lumabag sa mga quarantine guideline ang may-ari ng Montepico Hidden Springs Resort and Spa sa Barangay Pansol dahil sa pagtanggap nito ng bisita kahit bawal pa.

Watch more on iWantTFC

Mahaharap din sa kasong kriminal ang may-ari, manager, at caretaker ng resort, at posible ring bawiin ang business permit ng establisimyento matapos malunod ang isang 5 taong gulang na babae noog Martes sa swimming pool.

Isinugod sa ospital ang bata pero idineklarang dead on arrival.

Ayon kay Rodriguez, posibleng nago-operate ang resort kahit noong may lockdown dahil malinis ang tubig ng pool.

Inaalam ng lokal na pamahalaan kung may iba pang resort na patagong tumatanggap ng mga bisita sa lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.