Ina arestado sa 'pagpapainom ng beer, pagpapayosi' sa 2 anyos na anak

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2019 05:28 PM | Updated as of Jun 10 2019 07:16 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Inaresto ngayong umaga ng Lunes ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang ina at ang kaibigan nitong lalaki matapos umano nilang painumin ng beer at pagyosihin ang isang 2 taong gulang na lalaki.

Dumulog sa QCPD ang ama ng bata matapos mapanood ang video na nagpapakita sa kaniyang misis na nagpainom ng beer sa kanilang anak.

Mapapanood din sa video, na kinuhanan noong Hunyo 3 sa isang motel sa Cubao, na sinindihan ng kaibigan ng ina ang isang sigarilyong ipinagamit nila sa bata. 

Nakita umano ng ama ng bata ang video sa cellphone mismo ng ina.

Nanindigan ang ama ng bata na kakasuhan ang 2 suspek.

Child abuse ang kasong maaaring isampa sa mga suspek, ayon kay Police Maj. Marlo Barruga ng QCPD Station 4.

Nakikipag-ugnayan na rin ang QCPD sa Department of Social Welfare and Development ukol sa kaso. --Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.