7 patay, 30 sugatan nang mahulog ang sinasakyang jeep sa bangin sa Isabela

Darlene Gemino Ballad, ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2019 01:30 PM | Updated as of Jun 10 2019 07:51 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

SAN MARIANO, Isabela (UPDATE) - Pito ang patay habang 30 iba pa ang sugatan nang mahulog ang sinasakyang jeep dito Linggo ng hapon.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, pauwi ang mga biktima mula sa pamamalengke nang biglang nawalan ng preno ang jeep na kanilang sinasakyan sa bahagi ng Barangay Balagan.

Ibinangga pa umano ng driver na si Jeffrey Calibgal ang jeep sa burol para hindi tuluyang mahulog sa bangin ngunit sa bigat ng karga nito ay bumulusok pa rin ito pababa.

Ayon kay Police Lieutenant Jessie Alono, "overloaded" ang jeep dahil 30 katao lamang ang dapat na sakay nito ngunit higit pa dito ang bilang ng pasahero.

May karga pa umanong mga sako ng abono at semento ang jeep.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.