Lalaki patay matapos kuyugin sa KTV bar

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2018 01:39 PM

Inuusisa ng mga residente ang katawan ng isang lalaking nag-amok umano sa labas ng isang KTV bar. ABS-CBN News

CAGAYAN DE ORO - Patay ang isang lalaki matapos umanong kuyugin sa harap ng pinagtatrabahuhang KTV bar sa lungsod na ito, Sabado ng hapon.

Unang naghamon ng away at nakipagsuntukan ang 28-anyos na lalaki sa kapatid ng may-ari ng bar sa V. Neri Street, Barangay Carmen, ayon sa isang waitress.

Matapos nito, pinagtulungan aniya ng ilang tambay na kuyugin ang lalaki.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang residente ng Talakag, Bukidnon.

Inaalam pa ng mga pulis kung sino ang responsable sa krimen.

Ulat ni Rodulfo Regalado Jr., ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.