Drayber inireklamo ng panggahasa ng kasambahay, arestado

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2018 09:07 PM

MAYNILA - Arestado ang isang personal driver matapos ireklamo ng panggagahasa ng kasambahay sa Makati. 

Ayon sa 44 anyos na biktima, Hunyo 5 nang mangyari ang krimen. Binantaan pa umano siya ng suspek para di makapagsumbong.

Nagsumbong pa rin ang biktima, at agad pinuntahan ng pulisya ang suspek sa bahay nito sa Brgy. Karuhatan, Valenzuela.

Pero papunta pa lang doon ay nakatanggap na ng impormasyon ang mga awtoridad na nasa Bel-Air, Makati ang suspek.

Hawak na ng Makati police ang suspek at inihahanda na ang reklamong rape na isasampa laban sa kanya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.