27 anyos timbog nang makuhanan ng hinihinalang shabu, granada

Joey Taguba Yecyec, ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2018 07:58 PM

CLARIN, Misamis Occidenal -- Huli sa buy-bust operation ang isang lalaking hinihinalang tulak ng ilegal na droga Linggo ng umaga.

Bukod sa isang pakete ng hinihinalang shabu, nakuha rin sa 27 anyos na suspek ang P500 marked money at isang granada. 

Itinanggi naman ng suspek ang akusasyon, at iginiit na natutulog lamang siya sa bahay nang biglang arestuhin ng mga pulis.

Ayon kay Police Sr. Insp. Jude Evangelista, hepe sa Clarin, tubong-Zamboanga ang suspek at bago lang sa kanilang bayan.

Ang live-in partner umano ng suspek ang talagang nakatira sa Clarin, dagdag ng pulis.

Aniya, ang suspek ay nakulong na noong isang taon dahil sa illegal possession of firearms, at kamakailan lang ito nakalaya. 

Maliban sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act, sasampahan din sa kasong illegal possession of explosive ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.