1 patay nang mabagsakan ng live wire sa Albay

Kerren Canon, ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2018 08:51 AM

TABACO CITY, Albay - Patay ang isang 17-anyos na lalaki matapos mabagsakan umano ng isang live wire mula sa poste ng kuryente, noong Biyernes.

Ayon kay Janet Bobis, lumabas ng bahay ang kaniyang anak na si Jerome Bobis upang bumili ng katol.

Nakita na lamang daw ng mga kapitbahay nila na nakadapa at duguan ang binatilyo malapit sa isang sumabog na transformer sa kanilang barangay.

Ayon kay Engr. Erwin Barral ng Albay Power and Energy Corporation, maaring nag-overload ang transformer kaya ito pumutok.

Pinagaaralan din ng mga awtoridad kung nasira ito dahil sa kalumaan.

Nangako ng pinansyal na tulong ang APEC sa pamilya ng biktima pero sa ngayon ay hindi pa nakakapagdesisyon ang mga magulang ng binatilyo kung tatanggapin nila ang tulong o pormal na magsasampa ng reklamo laban sa kumpanya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.