Mga magsasaka, nagbungkal sa Hacienda Luisita bilang kilos-protesta

Noriel Padiernos, ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2017 05:31 PM

 

Noriel Padiernos, ABS-CBN News

 

Noriel Padiernos, ABS-CBN News

 

Noriel Padiernos, ABS-CBN News

 

Noriel Padiernos, ABS-CBN News

TARLAC CITY – Umaga pa lang ay nagmartsa na ang mahigit 200 magsasaka mula dito, kasama ang iba't ibang grupo mula Maynila, papunta sa Barangay Balete sa loob ng Hacienda Luisita.

Ayon sa mga raliyista, hindi kasama sa napagdesisyunan noong 2012 ng Supreme Court ang higit 200 hektaryang lupain sa Barangay Balete, pero kabilang ito sa inilabas na notice of coverage ni Department of Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.

Hindi naman daw magpapapigil ang mga lokal na magsasaka para bungkalin at taniman ang lupaing ito, lalo't mas nangangailangan na umano sila ng hanapbuhay.

Sa kanilang tantiya ay aabot sa 200 magsasaka ang makikinabang sa lupain.

Patuloy na hinihiling ng mga magsasaka na mabigyan na sila ng titulo sa lupang kanilang matagal nang ipinaglalaban.

Naging mapayapa naman ang pagtitipon at agad din na nag-disperse pagkatapos ang aktibidad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.