PatrolPH

Higit P15-M jackpot sa Super Lotto 6/49, P2.5-M sa 6D Lotto napanalunan

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2023 03:06 AM | Updated as of Jun 09 2023 03:13 AM

Isang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) authorized lotto outlet sa Sta. Mesa, Manila. Jonathan Cellona, ABS-CBN News
Isang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) authorized lotto outlet sa Sta. Mesa, Manila. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MANILA — Isang mananaya ang panalo ng higit P15 milyon matapos tamaan ang winning combination sa Super Lotto 6/49, habang isa naman ang mag-uuwi sa P2.5 milyong jackpot prize ng 6D Lotto sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes.

Ang winning combination sa Super Lotto ay 17-15-37-45-13-31 na may katumbas na premyong P15,840,000, ayon sa PCSO.

6-2-7-1-6-1 naman ang winning combination ng 6D Lotto.

Walang tumaya sa tamang kombinasyon ng Lotto 6/42 na 06-11-36-41-40-07, para sa P7.2 milyong premyo.

Nitong Miyerkoles, isang mananaya ang masuwerteng nakatama sa winning combination ng 6/45 Mega Lotto na may premyong P8.9 milyon.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.