Police station sa Aklan ni-lockdown matapos magpositibo sa COVID-19 ang 15 pulis

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2021 10:41 PM

Pansamantalang naka-lockdown ang Altavas Municipal Police Station sa Aklan matapos magpositibo sa COVID-19 ang 15 tauhan nito.

Pansamantalang pumalit ang Aklan 1st Mobile Company mula Aklan Provincial Police Office (APPO) para sa mga operasyon ng pulisya sa bayan ng Altavas.

Sarado muna ang police station para bigyang-daan ang gagawing disinfection.

Nasa quarantine facility na ng bayan ang mga pulis na nagpositibo sa COVID-19. 

Patuloy ang ginagawang contact tracing ng Altavas health office sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibong pulis.

—Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.