Magsasaka patay sa pagtama ng kidlat sa Isabela

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2021 12:55 AM

Patay na nang matagpuan ang isang magsasaka sa Cauayan City, Isabela Lunes ng gabi sanhi ng tama ng kidlat. 

Kinilala ang nasawi na si Romeo Pascua Sr, 50, may asawa at residente ng Barangay Marabulig 2 sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulis, nagtungo si Pascua sa kaniyang sakahan pasado alas-4 ng hapon noong Lunes. Pero dahil sa lakas ng ulan ay hindi umano siya agad nakauwi hanggang abutin ng gabi. 

Dahil dito ay pinasundan na siya sa pamangkin, subalit bangkay na nang kaniyang matagpuan ang tiyuhin. 

May nakitang sugat sa katawan at sunog ang buhok ni Pascua na pinaniniwalaang resulta ng pagtama ng kidlat. 

Naidala pa ang biktima sa ospital, pero idineklarang dead on arrival ng umasikasong doktor. 

Kumbinsido rin umano ang pamilya na walang foul play sa pagkamatay ng biktima, ayon sa pulisya.

—Ulat ni Harris Julio

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.