PatrolPH

Lalaki arestado sa pamamaril ng mangingisda, aso sa Davao Oriental

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2021 11:26 AM

Sumuko sa pulisya ang isang 30 anyos na lalaki matapos umanong barilin ang isang mangingisda at alagang aso sa Barangay Cabasagan, bayan ng Boston, Davao Oriental umaga ng Martes. 

Kinilala ang suspek na si Andi Lemenio Butulan. 

Base sa imbestigasyon ng pulisya, habang nasa dagat ang pamilya ng biktima na si Marvin Loco Canuza, 47 anyos, sa Barangay Cabasagan ay bigla umanong dumating ang suspek sa lugar at binaril ang alagang aso ng biktima. 

Nagkaalitan si Butulan at Canuza hanggang sa binaril ng suspek ang biktima ng ilang beses.

Isinuko ng suspek ang ginamit na caliber 40mm Smith and Wesson na armas.

Dead on arrival sa Boston Municipal Health Center ang biktima.
Haharap sa kasong murder ang suspek.

-- Ulat ni Hernel Tocmo 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.