PatrolPH

Barangay chairman sa Lipa City, patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2021 10:17 PM

LIPA CITY, Batangas - Patay ang chairman ng isang barangay sa lungsod ng Lipa, matapos barilin Miyerkoles ng umaga ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa P. Torres St, Barangay 6, Lipa City, Batangas.

Ayon sa pulisya, kinilala ang biktima na si Cesar Catibog, 68 anyos at chairman ng Barangay Pag-olingin East, Lipa City. 

Dagdag ng pulisya, sakay ng puting barangay vehicle ang biktima nang pagbabarilin ng mga salarin na sakay ng motorsiklo. Agad na tumakas ang mga ito matapos ang krimen at walang nakakuha sa plate number ng gamit nilang motorsiklo. 

Sa noo tinamaan ang biktima, na naisugod pa sa ospital ng kasamang driver, pero idineklara rin na dead on arrival ng attending physician nito.

Nagpaabot ng pakikiramay si Lipa City Mayor Eric Africa at mariin nitong kinondena ang insidente. 

Tiniyak ni Africa na hindi titigil hangga’t hindi mabigyan ng hustisya ang pinaslang na kapitan. 

Patuloy ang imbestigasyon pulisya at pagtugis sa mga nakatakas na salarin. 


- ulat ni Andrew Bernardo

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.