7 tao nasagip mula sa rumaragasang ilog sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2021 12:40 AM

Nagtulungan ang mga rescuer at mga pulis sa pagsagip gamit ang lubid sa 7 tao na na-trap sa pagragasa ng Tamugan river, sa may Barangay Tamugan, Davao City Martes ng gabi.

Ayon sa Team Davao Rescue, lagpas-tao na raw ang lebel ng tubig.

Nakaranas ng malakas na pag-ulan sa lungsod ng mga oras na iyon bunsod ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Nagsagawa umano ng survey ang apat na babae at tatlong lalaki sa Apo Agua water source nang abutan sila ng paglaki ng ilog.

Ayon sa Team Davao Rescue, matagumpay na nailigtas ang 7 tao.— Ulat ni Hernel Tocmo

MULA SA ARKIBO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.