'Pantawid ng Pag-ibig': Higit 600 pamilya sa Balete, Batangas nabigyan ng ayuda

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2020 07:23 PM

Hinatiran ng tulong ng Pantawid ng Pag-ibig ang daang-daang pamilya sa isang bayan sa Batangas. ABS-CBN News

Paggawa ng walis-tingting ang kabuhayan ng 72 anyos na biyudang si Emilia Amaya, kasama ang isa niyang anak. Pareho silang residente sa bayan ng Balete, Batangas.

Kumikita ang 2 ng P100 kada aaraw pero dahil sa pagputok ng bulkang Taal at banta ng coronavirus disease (COVID-19), natigil ang kanilang hanapbuhay.

“Kaya ako'y napatigil, pumutok ang bulkan at gawa ng virus... wala kaming hanapbuhay,” ani Amaya.

Nasa mas maluwag na general community quarantine na ang Batangas pero mahigpit pa ring ipinagbabawal na lumabas ang mga senior citizen dahil sinasabing madali silang kapitan ng sakit.

Sa ngayon, sa ayuda muna umaasa si Amaya.

“Sabi sa’kin ‘wag na ako gumala at ako ay senior na,” aniya.

Kasama ang Barangay Looc sa Balete sa mga lugar na tinututukan ng ABS-CBN.

Noong 2017, isang patahian ang ipinatayo sa lugar bilang dagdag na hanapbuhay ng mga residente.

Nagagamit ito ngayon ni Juliana Ocampo para manahi ng washable face masks na ibinebenta nang P20 kada piraso.

“Ako ay apat na taon nang nagtatahi,” ani Ocampo.

“Naisip ko magtahi ng face mask kasi kailangan din ng mga tao at para kami ay may kita,” dagdag niya.

Para sa patuloy pang pag-alalay ng ABS-CBN sa komunidad, nagdala ang Pantawid ng Pag-ibig program ng relief packs para sa higit 600 pamilya sa Barangay Looc.

“Kami ay nagpapasalamat at kami'y nabigyan talaga ng pagkain,” sabi ng residenteng si Edelita Maya.

Nais namang pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na supply sponsor na lumahok sa Pantawid ng Pag-ibig campaign:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.