PatrolPH

Manila parking bureau official patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2020 05:07 PM | Updated as of Jun 09 2020 07:20 PM

Watch more News on iWantTFC

Patay ang isang opisyal ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos pagbabarilin sa Tondo district, Maynila noong hapon ng Lunes, araw ng kaniyang kaarawan.

Bandang alas-2 ng hapon nang pagbabarilin ang biktima ng mga hindi pa nakikilalang salaring sakay ng motorsiklo sa may Lakandula Street, ayon sa Manila police.

Nakuhanan ng CCTV ng Barangay 33 ang insidente.

Ang biktima ay namumuno sa koleksiyon ng parking fee sa Divisoria-Recto area.

Ayon kay MTPB chief Dennis Viaje, bago ang insidente, nagsumbong sa kaniya ang biktima na may ilang nagpupumilit mula sa dating administrasyon ng local government na pagbigyan pa raw silang mangolekta ng parking fee.

Ayon kay Manila Police District spokesperson Lt. Col. Carlo Manuel, tinitingnan din nila kung may kinalaman sa koleksiyon ng parking fee ang pagpatay.

Patuloy ang follow-up operation ng mga awtoridad para mahuli ang mga gunman. -- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.