PatrolPH

Ilang jeepney drivers, trabahador sa QC namalimos na dahil sa kulang na ayuda

Doland Castro, ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2020 06:44 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Namamalimos at humihingi ng tulong ang grupo ng mga jeepney driver at mga construction worker sa Project 8, Quezon City na hanggang ngayong general community quarantine ay wala pa ring permanenteng pinagkakakitaan.

Ang pintor na si Jeffrey Santos, nanlilimos na sa kalye dahil kulang ang raket para makakain araw-araw. 

"Wala na talaga, paraket-raket lang, wala na po makain," ani Santos.

Sa Pangasinan Street sa bahagi ng Proj. 8 nakatira ang nasa 12 construction workers na namamalimos at humihingi ng tulong sa kalsada. 

Sa General Avenue naman, inabutan ding namamalimos ang grupo ng mga jeepney driver na dating bumibiyaheng Project 8 hanggang Quiapo. 

"Simula po lockdown wala kami naipon... Sana po mabigyan kami ng tulong, makabiyahe na lang po kami," anang tsuper na si Josel Viranda. 

Dalangin ng mga jeepney driver at construction worker na bumalik na sa normal ang lahat para makapaghanapbuhay na sila nang maayos. 

Hanggang ngayong GCQ, hindi pa rin pinahihintulutan ang pagpasada ng mga jeepney.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.