Treasurer ng bayan sa Occidental Mindoro patay sa pananambang

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2019 02:54 PM

STA. CRUZ, Occidental Mindoro -- Patay ang municipal treasurer ng bayan na ito matapos tambangan ng riding-in-tandem, Sabado ng gabi.

Sakay ng motorsiklo ang biktimang si Reydante Delara, 53, nang tapatan siya ng mga gunman at pagbabarilin sa highway sa Barangay Mulawin, ayon sa pulisya.

Idineklara anilang dead on arrival sa ospital si Delara.

Kabilang sa mga sinisilip na motibo ang personal na away sa lupa, dagdag ng mga imbestigador.

Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.