Tindahan ng Japan surplus sa Davao City nasunog

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2019 09:45 AM

DAVAO CITY - Nasunog ang bahagi ng tindahan ng Japanese surplus sa Barangay Bago Aplaya sa lungsod na ito, Sabado ng gabi.

Nagsimula ang sunog sa opisina sa ikalawang palapag ng gusali, kung saan din naka-display ang mga panindang gaya ng damit at sapatos, ayon sa kapatid ng may-ari ng tindahan na si Jesum Labiton. 

Nabalot ng makapagl na usok ang tindahan at kinailangan pang basagin ng mga bombero ang bintana upang makahinga ang mga tao sa loob. 

Wala namang nasaktan sa insidente, pero naabo ang halos lahat ng mga paninda sa ikalawang palapag habang nagtamo ng water damage ang mga produkto sa ibaba. 

Inaalam pa ang sanhi nito at halaga ng iniwang pinsala. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.