Pinoy, 2 Sudanese nahulihan ng 'droga' sa Baguio

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2019 04:18 PM | Updated as of Jun 09 2019 10:58 PM

BAGUIO -- Inaresto ang isang Pilipino at 2 Sudanese nationals matapos mahulihan ng nasa P55,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang apartment sa Barangay San Vicente sa lungsod na ito, Linggo.

Narekober ang 15 pakete ng umano'y shabu at isang sachet ng pinatuyong marijuana sa bisa ng search warrant na hawak ng Philippine Drug Enforcement Agency at National Bureau of Investigation.

Residente ng Marcos Highway ang 29 anyos na Pilipino. Edad 26 at 27 naman ang mga kasama niyang Sudanese national.

Dati nang naaresto ang 3 dahil sa droga. Sinampahan sila ng panibagong kaso ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
 
Ulat ni Michelle Soriano, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.